Tuesday, May 29, 2012

Love Story ni ZJ

ZJ:

          Ako nga pala si ZJ. Wag niyo na lang alamin kung ano apelyido ko. Graduatee ako sa isa sa mga malalaking Unibersidad sa Manila. 12 years old ako ng mawalay ako sa aking ina na sa Pakistan. Half pinoy daw ako sabi ng mga kamag-anak ko sa Pilipinas, meron pa raw akong ancestors na tsinoy. Kaya siguro ganito ako kagwapo. Ang tatay ko ay isang Achitect, at sa pagkakalala ko ang nanay ko naman ay Singer sa Pakistan. Ngayon naninirahan kami ng aking ama at ng bagong niyang pamilya sa Shipley,Bradford, United Kingdom. British ang ikalawang asawa ni tatay. Hindi naman raw sila kinasal ng aking ina, kaya't madali siyang nagpakasal sa british na si Leigh Odair. Si Leigh Odair ay mga isang anak sa pagkadalaga niya, ang pangalan ay Sophie Edwards. Si Sophie Edwards ay 16 years old na, nasa 10th grade na siya. Bilang magiging kapatid ko na rin siya, dapat ko din siyang mahalin at ituring bilang tunay kapatid. "Mr. Fred" yan ang tawag ko sa aking ama, at Ms. Alisyah naman ang tawag ko sa aking ina. Kaya raw sila nagkahiwalay ay dahil ayaw daw ng ama ni Ms. Alisyah si Mr. Fred, at dapat daw siya ikasal kay Mr. Daniel ( half Pakistani half American, Mayaman at Negosyante). Bata pa noon si Ms. Alisyah at nagsisimula pa lang ang kanyang career. Tinago ako ni ina sa publiko at sa araw araw ay salit-salit sila ni ama sa pagbabantay sa akin. Well balik na tayo sa buhay ko, hayaan natin yang mga kwento dyan. May naiwan akong girlfriend sa Pilipinas. Kaso hindi ko na sabi na hindi na kami babalik pa sa Pilipinas, ang pangalan niya Kaydee Martinez. Maganda siya, maaruga, mabait, at higit sa lahat makulit parang ako. Na lulungkot ako sa tuwing naiisip ko siya, hindi ko man masabi sa kanya, o kaya ma-email. Kasi alam ko ikakagugunaw iyon ng mundo niya. 


            Ngayon ang aking kaarawan 20th October 2011, 19 years old na ako. Naalala ko muli si Kae(tawag ko kay Kaydee), naisip ko siguro ngayon na ang tamang panahon, at 1 linggo na rin ang nakakalipas bago kami mag-migrate dito sa UK. Tinawagan ko si Kae kahit na mahal ang phone call sa ibang bansa. *ring* Tunog ng phone ni Kae,(Zae) dali niyang itong sinagot ng nakita niyang ang name ko sa phone niya. "Zae I miss you so bad, na saan ka ba , sabi ng auntie mo nagbabakasyon ka raw sa London, totoo ba iyon Zae?" tanung ni Kae. Sabi ko naman "Kae, may gusto akong sabihin sa iyo, kaso ayaw kitang masaktan dahil mahal na mahal kita, namimiss na rin kita Kae, tuwing naaalala kita nalulungkot ako, pero Kae hindi ako nagbabakasyon sa London, Nag-Migrate na kami sa London.". Nagulat si Kae sa na sabi ko, alam ko bumuhos ang luha niya sa kanyang mga mata, hindi na siya nakapagsalita pa. "Kae I'm sorry naging selfish ako, alam mo namang hindi ako ganito sa iyo, pero biglaan ito, I hope we remain friends, I hope also that you could find greater than me, greater than our love. Pasensya na Kae, I love you Goodbye." *toot..toot..toot* Bigla ko na lamang napindont ag exit phone call. Alam ko na malungkot si Kae, alam ko nasaktan siya ng sobra. Mahal ko siya, pero kailangan ko tapusin ang relationship namin kasi long distance, at napakalayo  namin sa isa't-isa. Nagpunta ako sa bar upang magpalamig. Nakilala ko ang isang waitress, taga- South Shields siya sa Tyne and Wear. Ang pangalan niya ay Perrie Edwards, 18 years old pa lang siya . Ang ganda, mabait, at masipag. Alam ko naman na hindi ako mahilig sa bar, pero pumunta lang ako dito upang magpa-chill down ng mga nararamdaman ko ngayon. 

       

No comments:

Post a Comment