I do want writing stuffs about my admiration, inspiration, experiences, development of myself, and the daily life I have. I just want to share some pieces of my life to anyone who would read this.This blog may contain unpleasant words and may affect your thinking with my grammar and languages used.
Friday, June 29, 2012
Ako.
Pasensya na pala sa lahat ng nagagawa kong masama sa inyo. Pasensya na kasi na nakakalimutan ko ng maging katulad ng dati na napaka-understanding, hindi tulad ngaun, nagbago nga lahat. ako, cla at mrami pang iba. Hindi ko na nga pinapakita na nagagalit ako, instead tumatahimik na nga lang ako eh, para hindi ako umiyak o kaya magalit. Napakababaw ng mga luha ko, mabilis lang cla tutulo sa aking mukha. Hindi ko talaga kaya na yung mga kaibigan ko nagagalit sa akin, pasensya na sa lahat sorry talaga, dito na lang ako maglalabas ng saloobin ko , habang tumutulo yung mga luha ko ngaun. Siguro magugulat kayo kapag bigla akong umiyak sa harapan nio, at malalaman nio yung gusto ko iparating, kc napaka-emotional ko. Kaya nga emotionally napakahina ko, pero physically malakas ako. dinadaan ko na lang sa physical na kakayahan, dahil ayaw ko ipakita sa inyo na yung ako, iyakin, mahina, hindi lumalaban.. kaya nga kabaligtaran ng lahat nian yung ako ngaun eh. yung nakakasama at nakikita nio. Pasensya, pero kung wala na talaga ako magawa para mabago yung ugali ko, ako na mismo yung lalayo sa inyo , masakit man, pero sakripisyo ko na lang iyon, alam ko naman na mahal mahal nio ako, at ganoon rin ako sa inio, sorry talaga, wala na akong iba pang masabi. hindi nga ako gaanong nagkwekwento sa inio about sa akin, kc gusto ko kayo ang kusang makaalam ng lahat sa akin. alam ko naman na hindi ito madali para sa akin at sa inio. pero gagawin ko iyon pagkinakailangan na talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment