pangarap na hindi ko sinubukan
Sinubukang maging kaibigan mo
nang minsan ay malaman ko
ang mga nararamdaman mo
Hindi ko alam
kung bakit ganito
ako'y naloloko
pangarap na lamang ba ito?
o karat dapat ko na itong kalimutan?
sino ba ang nahihirapan?
ako lang din naman.
sinong nasasaktan?
ako lang naman.
mahirap magmahal
lalo na kung ikaw lang magisa
kay hirap ng buhay
puno ng tagumpay
na maaaring humantong
sa isang pangyayaring may datong.
hindi ko na talaga maintidihan
nararamdaman ko'y litong-lito
sa bawat halakhak nila
ako ay parang tinutusok
ng isang kutsilyong matalim'
kahit na ito'y paulit ulit
hirap pa ring malimut
nariyan pa rin
pilit iniuugnay
bakit hindi ko subukan
subukang kaibiganin
tutal nama'y wala pang kabago-bago
sa ganoon na lamang ako muli magsisimula
sa isang pagpapakilala
na maaaring humatong
sa isang bagong yugto ng pagsasama
sa isang buhay na maaaring maraming mangyari
ngunit kung ito'y mangyayari
higit sa ngiti ng parang aso
ang aking mamimithi.
ikaw na nagbigay sigla
sa araw at gabi
salamat at ikaw ay naging parte
nang buhay kong kay gulo
puno ng kahimbal-himbal
at purong imahinasyon
sa gabing ito.
tinatapos ko na itong pagsusumamo
sapagkat ako'y inaatok na
at maaari ko pa naman ito ipagpabukas..
nagmamahal ng lubusan,
No comments:
Post a Comment